Taguig News

Taguig employees light up park
Nagtipon-tipon ang mga opisyales at kawani ng lungsod ng Taguig sa Taguig City Hall quadrangle upang magpakita ng pagmamahal sa bansa at debosyon sa paglilingkod sa lungsod ng Taguig. Pinangunahan ng Think Big Taguig ang pagtataas ng watawat ngayong araw, ika-12 ng Disyembre.
Ibinahagi ng Think Big Taguig Head Chi Datu-Bocobo ang mga inisyatibong isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang magbigay ng liwanag sa kapaskuhan ng bawat Taguigeño. Ang ilan sa mga ito ay ang Christmas by the Lake, ang kauna-unahang six-hectare lights park kung saan maaaring mag-saya ang pamilya, kasintahan, at mga kaibigan at ang pagpapabahagi ng pinagandang Pamaskong Handog. Mahigit 13 barangay ang nabisita at nabigyan na ng noche buena package na siyang pandagdag sa handaan ng mga pamilyang Taguigeño sa pasko.
Ibinatid naman ni Punong Lungsod Lani Cayetano na malaki ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagpapatatag ng Panginoon sa opisyales, kawani, at mamamayan at sa ibinigay na regalo ng buhay sa bawat isa.
Binati rin ng maligayang kaarawan si Mayor Lani Cayetano at nakatanggap ng mga bulaklak at pagbabati mula sa mga kawani at iba't ibang sektor ng lungsod.
Share your thoughts with us
Related Articles

Makati students top TOFAS
Makati Mayor Abby Binay congratulated students in the city’s public schools from Grades Three to 10 for topping the regional Test of Functional Academic Skills (TOFAS) administered by the Department of Education last February 20-24, 2023. The ...

Taguig holds seminar for police officers
The City of Taguig recently held a seminar entitled "Upholding Justice: Rule of Law on War of Drugs" at the New City Hall Convention Center. The event, which took place on March 17, aimed to equip police officers with the necessary knowledg...