Taguig News

Taguig holds workshop on nutrition plan
Nagsagawa ng isang workshop ang lungsod ng Taguig, sa pangunguna ng Taguig City Nutrition Office, bilang bahagi ng paghahanda ng City Nutrition Action Plan para sa taong 2023-2025.
Nagtipon sa Center of the Elderly Conference Room sa Brgy. North Signal ang mga kawani ng Taguig City Nutrition Council para sa nasabing workshop.
Layon ng lokal na pamahalaan na magbalangkas ng action plan para sa susunod na tatlong taon na angkop sa mga kasalukuyang plano ng lungsod tungkol sa nutrisyon. Pinagusapan din ang paglalaan ng budget para sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-nutrisyon, at pag-monitor ng mga nutrition-related programs ng lungsod.
Ang lungsod ng Taguig ay ilang beses nang kinilala dahil sa Award-winning Nutrition programs nito—Best LGU in Nutrition Program Effectiveness, Best LGU in the Performance of Nutrition Management Functions, Best LGU in the Implementation of Nutrition in Emergencies Program at ang Nutrition Honor Award.
Ang Taguig Nutrition Council ay pinamumunuan ni Mayor Lani Cayetano, Vice Chairman at City Health Officer Dr. Norena Osano, City Planning and Development Officer Arch. Ronnie Pagkalinawan, Department of Internal and Local Government (DILG) City Director Gemma Dancil, Kabisig ng Kalahi Representative Vicky Wenieke, at iba pang mga kinakatawan ng mga departmento na makakatulong sa pagpapalaganap ng tamang nutrisyon sa lungsod.
Share your thoughts with us
Related Articles

Christmas by the Lake Unveils Mesmerizing Graffiti Tunnel for a Festive Instagram Moment
The holiday season just got even more magical with Christmas by the Lake's newest attraction: an Instagram-worthy Graffiti Tunnel that's set to dazzle visitors. Crafted by talented local artists, this tunnel transforms into a luminous wonderl...