Taguig News

Taguig celebrates World Rabies Day on Sept. 28
Nagdagsaan ang napakaraming aso at pusa at kasama ang kanilang mga may-ari/tagapangalaga sa Taguig City University (TCU) Auditorium noong Linggo, ika-29 ng Setyembre, sa ginanap na “Bida ang Pet Ko” hatid ng pamahalaang lungsod ng Taguig.
Ang programang ito ay isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng 13th World Rabies Day na ipinagdiwang noong nakaraang ika-28 ng Setyembre, kung saan nabigyan ang mga alagang aso’t pusa ng mga libreng serbisyo gaya ng konsultasyon, bakuna laban sa rabies, vitamins, pagpupurga (deworming), at pagkakapon.
May mga lecture rin kung saan tinalakay ang mga responsibilidad ng isang pet owner at kung paano ang tamang pag-aalaga kay Bantay at Muning.
May photobooth para sa mga alaga at kanilang may-ari. Marami ding aso at pusa na nag-costume at nagpakita ng kanilang cuteness sa camera. Sa mga sumali, pinili ang Best Dressed Pet. Pinarangalan din ang mga nanalo sa Pet Photo Contest.
Para sa inyo 'to, Bantay at Muning! Marami pong salamat sa lahat ng dumalong Taguigeño pet lovers!
Share your thoughts with us
Related Articles

Taguig taps cold chain firm to store vaccines
Taguig City tapped ORCA Cold Chain Solutions to ensure that it can safely store and transport its coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines to its constituents once the life-saving jabs are delivered, according to a report by Philippine News ...